Hand Drawn Book

10 marcos

Text

Maligayang Pagbati! Halina at sama-sama nating basahin ang mga tula ng mga estudyante mula sa 10 Marcos PM

Learn More

White Rectangle Illustration

Mga miyembro:

Writer Textured Stylized Creatives

Jessa Langaman

Ryka Lei Basa

Cherry Mae Boling Viernes

Kent Nyro Balboa

Mark Joseph Cabanilla

Denice Gale Colorado

Cherry Mae Viernes

Cherry Ann Tarectecan

Erica Mae Español

Rica Ella Mae Pascua

Lyndon Bustamante

Sherwin D. Espinoza

Sherwin R. Custodio

James Bongalon

Anna Ramos

Kareen Ramos

John Carlo Aquino

Xander James Nacional

Statue of a Muslim Man Illustration

Ama kong hindi ko nasilayan

(Isinulat ni Jessa Langaman)



¹Aking mata'y walang Ama'ng nasilayan

Nang ako'y isinilang Ama'y pumanaw

Hindi madali ang pinagdadaanan

Kaya ang aming ina'y nahihirapan


² Kay hirap nang walang ama'ng masandalan

Ama'ng walang magtatatanggol sayong laban

Luha ko'y patutuyuin na lamang

At lalaban para sa Ama'ng pumanaw


³ Problema ay hindi madaling lampasan

Mahirap pero kailangang lumaban

Sa paglaban, pagsubok ay nalutasan

Ngunit problema'y di kami naubusan


Ang pamilya namin ay mahirap lamang

Pero puno ito ng kaligayahan

Kaya hindi ito matitinag kailanman

At wala kaming labang inaatrasan

Lannville Plaza

Watercolor Father Carrying His Daughter on His Shoulders

Simbolong nagamit:

Vector Image

Butterfly- isinisimbolo nito ang kalayaan,kalayaan at pagtanggap sa pagkamatay ng aming Ama.



Krus- isinisimbolo nito ang pananampalataya at pananalig, ito ang pinili kong simbolo dahil ang panginoon lamang ang nilapitan ng namin nong kami ay nahihirapan



Rosas- isinisimbolo nito ang pag-asa, na kahit napakarami ng Problema ang dumating saamin ay alam namin na mayroon paring pag-asa para bumangon



Espada- isinisimbolo nito ang pagiging matapang, ito ang napili ko dahil naging matapang kami at lumaban nong araw na madaming pagsubok ang dumating sa aming buhay

Vector Image
Minimal Lined Florals Rose
Illustration of a Sword

Ang Tula ng aking buhay

(Isinulat ni Kent Nyro G. Balboa)


Nabuo sa wagas na pagmamahalan

Isang anghel mundo'y kanyang nasilayan

Kent Nyro G. Balboa aking pangalan

Sa bayan ng Pasay aking sinilangan


Iminulat ko ang aking mga mata

Unang pagkakataon Ina'y nakita

Bakas sa mga mata ang tuwa niya

Nang unang binanggit ang salitang mama


Kinagisnan ko aking simpleng pamilya

Di salat o hirap sakto lang sa pera

Nagtutulongan sa abot ng makaya

Bawat pagsubok sandalan ang pamilya


Edukasyon ang turo sa unang hakbang

Sa Elementarya una kong nilakbay

At ako'y magtatapos sa kolehiyo

Ito'y sandata sa aking hinaharap


Paghubog at paggabay sa aking buhay

Aking mga magulang una kong gabay

Laging nakaalalay at gumagabay

Pag ibig ng magulang ay walang wagas...

Detailed Proportional Family Hugging

Simbolong nagamit:

Kalapati - kapayapaan

Bird with Branch Illustration

Nang Ako'yNilisan

(Isinulat ni John Carlo Aquino)

Isang araw ng ikaw ay matagpuan

Lubos na kaligayaha'y naramdaman

Ang pag-ibig na hindi ko napigilan

Sigaw ng puso'y ikaw ang nakalaan


Ngunit sadyang di tayo itinadhana

Walang hanggan, nakaro'n ng katapusan

Sa isang kisap mata, ako'y nilisan

Aking kasiyaha'y naging kalungkutan



Ngiti sa'king labi'y tuluyang lumisan

Sa lahat ng sakit na nararamdaman

Pighati't galit na di kayang pigilan

Nais na kalimutan ang nakaraan



Nahihilo, tila ako'y nalilito

Mga oras na gustong iuntog ang ulo

Walang tibok,tila'y durog na ang puso

Pusong bigo, ngunit ako'y di susuko



Tinik sa aking puso na di maatim

Tila linta na hindi ko kayang tanggalin

Ngunit sa kabila nitong paghihirap

Lipad ng kalapati ay syang niyakap


Hand Drawn Sad Girl

Simbolong nagamit:

White Heart Vector

Puso - simbolo ng pagmamahal o pag-ibig



Tinik - simbolo ng pagsubok na hinarap



Kalapati - simbolo ng kapayapaang nakamit

Fish Bones Outline
Bird with Branch Illustration

Mahal kong lola

(Isinulat ni Cherry Mae Viernes)

Anim na taon nang ako'y iyong iwan

Iniwan mo kami ng walang paalam

Kung pwede lang sana'ng ibalik ang lahat

Ngunit hindi na maibalik ang dati


Maraming salamat sa'yong mga payo

Payo'ng itatak sa puso't isipan ko

Miss na miss kana naming mga apo mo

Hinding hindi ka namin makalimutan


Maraming salamat sa lahat lola ko

Mag iingat ka sa piling ni ama

Dalawin mo ako sa aking panaginip

Paalam muli aming mahal na lola



Flat Rounded Old Lady Reading a Book

Simbolong nagamit:

Minimalist Lined Mystic Candle

Kandila - kamatayan



Kalapati - pagiging malaya



Puting bulaklak - kalinisan

Bird with Branch Illustration
White Flower Blossom in Water Color for Decorative Element

Nakaraan

(Isinulat ni Cherry-Ann Tarectecan)

Luhang nag uunahan,

Dahil sa sakit na nararamdaman.

Nakagapos pa rin sa nakaraan,

Na pilit kinakalimutan.


Walang nag tatanong kung ayos paba,

Sa hirap na kinakaharap mag-isa.

Hindi ko alam kung kaya kopa ba,

Kung kaya kong lumaban mag isa.


Tao rin ako at nahihirapan,

Sobra na ang parusang aking nakamtan.

Hindi ko kayang lumaban hanggang katapusan,

Alam ko namang wala itong patutunguhan.


Hindi ba ako pwedeng maging malaya?

Sa nakaraan na tila parusa.

Gusto ko ring magpahinga.

Hand Drawn Full Body Kid Sitting with a Sad Face Emotion

Simbolong nagamit:

Ang aking Pangarap

(Isinulat ni James Raiven Bongalon)

Ako si James Raiven L. Bongalon, na isang mag-aaral

Lumaki Sa pangangalaga ng aking mga magulang

Hindi man mayaman ang aming buhay

Busog naman sa pagmamahalan


Bilang panganay sa aming magkakapatid

Ako ang napatbibilinan ng aking mga magulang

Habang sila'y pagod sa pag tratrabaho

Ako nmn ang kumikilos sa aming tahanan


Ngayon ako ay nasa ika 10 baitang na sa pag-aaral

Nagsusumikap na makapagtapos

Upang sa pagdating ng araw

Ako naman ang tutulog sa aking mga magulang


Ang aking pamilya ang simple lamang

May tampuhan,bruan, at tawanan

Ito ay aking pahahalagahan at

Ipag mamalaki sa kahit sino man.

Detailed Proportional Family Hugging

Simbolong nagamit:

Nagmamahal ng tunay

(Isinulat ni Mark Joseph Cabanilla)

Para Kang bituin,

Na ka'y hirap sungkitin

Pero kahit mahirap

Ako'y nangangarap


Kahit langit at lupa,

Ang agwat natin,

Gagawin ko ang lahat,

Para ika'y maging akin.


Di ako susuko,

Ipaglalaban kita hanggang kamatayan,

Para patunayan , Kung gaano Kita kamahal

Ganyan ako magmahal ,tunay at tapat.


Love Doodle Icon


Simbolong nagamit:

Ulan

(Isinulat ni Ryka Lei Basa)

Katulad ng ulan, ang mga mata ko'y

tila ba'y bumuhos sa kapighatian.

Noong napagtantong siya'y lumisan na.

Bakit s'ya pang walang intensyong masama?


Aking minamahal na lola, sa’n ka na?

Ako’y katulad ng isang lantang gulay

Noong ika’y nawalay sa akin, inay.

Nawa’y ikaw ay nasa mabuting kamay.


Mula pagkabata ika’y nariyan na,

Nais ko sanang hanggang sa pagtanda pa.

Ngunit lahat ay naglaho parang bula

Noong ikaw ay pumanaw aking lola.


Nawa’y ikaw ay nasa mabuting lagay.

Wala ng hirap at sakit diyan inay.

Mukha’t boses mo’y hindi malilimutan.

Payo’t aral na bigay ay tatandaan.


Hanggang sa muling pagkikita natin, nay.

Alam kong kasama mo na r’yan si tatay.

Kayo’y masaya na’t ‘di na malulumbay.

Maraming salamat sa lahat inay, tay.

Grandparent���S Day Holidays Element
Smiling Girl Waving

Simbolong nagamit:

Raining

Ulan - bumuhos/lumuha



Lantang gulay - walang buhay/walang gana



Bula - naglaho sa bigla

Bunch of Vegetables
Bubble

Ang Pagsubok Sa Aming Buhay

(Isinulat ni Denice Gale Colorado)

Ako ay si Denice Gale D. Colorado.

Bawat tao ay may kani - kaniyang kwento

at maraming problema sa ating mundo.

Pero ako'y lalaban at di susuko.


Bawat pag - patak ng aking mga luha

ay tinatago ko sa aking pamilya

para hindi na sila mahirapan pa

kaya ako nalang ang mamomoblema.


Ama ko ay matagal ko ng di nakita

sabi ni mama siya ay nasa ibang bansa s'ya ,

kaya ako naman ay naniniwala

Yun pala'y nasa ibang tahanan na s'ya.


Ito'y mahirap para sa aking Ina

pero lahat ng ito'y kinakaya n'ya.

Para lang saaming mga anak n'ya.

Hanga ako sa katapangan ni Ina.

Mother and Daughter Illustration

Simbolong nagamit:

Crossed Swords Flat Icon

Espada - lalaban at di susuko



Durog na puso - pagkahiwalay ng aking ina at ama



Bato - pagiging matatag ko at ng aking ina

Broken Heart Illustration
Illustration of a Rock


Sa mundong ito, simula ako’y nabuhay

Ang mga magulang ko ang aking gabay

Sa mundong puno ng lungkot at problema

’di nila ako hinayaang mag-isa


Sa loob ng labing-pito na taon ko

Sa mundo aking pasalamat nay ‘tay

Simula sa araw ng aking pagsilang

kasama at ‘di ako pinabayaan


At ko’y pinalaki ng maayos

Mabuting tao at may takot sa Diyos

Kapag may problema lagi ka’y nariyan

Bilang isang anak, napakabuti n’yo


’Di man maipakita ang pagmamahal ko

Alam ramdam ito ng nilamg puso

Salamat sa inyo, aking ama’t ina

Alaga’t aruga saking nagpatibay







Ang Aking Pamilya

(Isinulat ni Kareen A. Ramos)

Textured Organic Family on Shoulder Ride

Simbolong nagamit:

Sa Aking Mga Magulang

(Isinulat ni Anna Mae Ramos)

Kayo ang dahilan ng aking hininga

Ako ay nabuo sa inyong kalinga

Pag-ibig n’yong wagas totoo’t dakila

Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla


Hinubog ang aking damdamin at diwa

Kasama ko kayo sa hirap ko’t saya

Sa aking pagtulog sa gabing madilim

Kayo’y naro’n para saaking pahinga


Di hahayaang lamol saking dumapo

Paypay n’yo ang siyang pumapawi sa init

Na ako ay magising ng nakangiti

Dahil magandang ngiti n’yomg nakikita


Sakripisyo ninyo sa aking paglaki

Salamat sa pagturo niyo ng tama

Napalaki niyo ako ng mabuti

Mahal na mahal ko kayo ‘king magulang

Flat Cut-out Happy Family on Social Media

Simbolismong nagamit:

Isang Napakagandang Dalaga

(Isinulat ni Xander James Nacional)

Ako si Xander James B Nacional Ako'y

Nakatira sa Caranglaan Mabini

Panggasinan ako'y 15 anyos nitong

Oktubre may nakilala akong isang


Napakagandang babae Matankad

Siya at siya ay 14 anyos noong siya

Ay aking nakita nabighani agad

Ako sakanya noong kami ay unang


Nagkita nilibre ko agad siya sa fast food

At linggo linggo na kaming nagsisimba

At simula non lagi na kaming magkasama

At doon na rin nagsimula ang feelings ko


Sakanya at unti unti na rin siyang

Nagkakagusto saakin at nag confess

Ako sakanya at nung nalaman niyang may

Gusto ako sakanya umamin na rin


Siya na gusto niya rin ako at doon na

nagsimula ang pagmamahalin naming

Dalawa at palagi ko na rin siyang

Sinusundo sa school nila.

Clean Vector Career Celebrations Boy and Girl Teen in School Uniform

Simbolismong nagamit:

Puso - Pagmamahalan

White Heart Vector

Pangungulila

(Isinulat ni Chloue Surban)

Sa panahon na ikay nawalay samin

Sa bawat pagpatak ng luhay sakit at,

pangungulila lungkot, lumokob sakin

Pag hihinagpis na tumoruk sa puso



Mga ala alang masaya malungkot,

Na patuloy bubuhay saking sistema

Nais kitang kamustahin,kamusta ka

ayus kanaba jan wala nabang sakit



Iyung payo akin ding aalagaan

Bawat bigkas mo ditoy tatak sa isip

Salamat sa aral gabay naturo mo moy

Akin ding tatak sa pusot isipan.

Hand Drawn Full Body Kid Sitting with a Sad Face Emotion

Simbolong nagamit:

Pangarap

(Isinulat ni Sherwin D. Espinoza)

Ilang beses mang muntikang sumuko ay

Aking pinaglaban upang matupad at

Maraming isinakripisyo na luha

Hindi susuko upang makamit ating

Gusto patungo sa pangarap na ito

Kahit ako’y problemado dahil sa mga

pagsubok na mahirap. Nandito naman

ang pamilya na nasa tabi ko at ang

dahilan ng aking pangarap na ito

Ang panginoong diyos lamang ang aking

sandigan dahil siya lamang ang ating

makapangyarihan na tutulungan at

gagabayan sa aking pinaghirapan

Kailangan natin itong paghirapan

upang ang aking pangarap ay makamtan

ang pangarap ay layunin sa buhay na

kapag pinaghirapan ay patungo sa

ating tagumpay, ingatan nating tunay.


Happy Man flat 03

Simbolong nagamit:


Ang aking inspirasyon, sa bawat araw na lumilipas na nag Daan

Siya ang aking lolo na gumagabay, saaking pangarap na patuloy Kong tinutupad

Hindi ko man Siya, nakasama ng matagal na panahon patuloy ko paring naaalala ang kahapon

Na nanatili Siya sa puso at isip, kahit man lumipas ang kahapon


Mula nong bata, pa Ako nasanay Ako na kasama Siya sa bawat araw na nag Daan

Mahirap mawalan, ng mahal sa Buhay lalo na Ang nakagisnan mo sa pang araw araw

At Lalo na Ang taong, nakasanayan mo at makasama sa pang araw araw

Hindi madaling Matangap, na Wala kana kahit mahirap ay pinipiling maging matatag


Ako'y Isang batang na nangangarap, para sa pamilya at sa pangko ko sayu

Pang alam ko kahit Wala kana ginagabayan mo parin Ako sa akong pangarap

Pangako pangako mag tatapos ako para maging Masaya ka at maipag Malaki mo

Hindi kita malilimutan Yan, ang iyong tandaan andito ka sa aking puso


at kung nasaan ka man ay sigurado na Hindi ka makayosi,t makatagay kasi nga nasa langit ka nakatambay mo

Pang

(Isinulat ni Sherwin Custudio)

Old Man Walking with Cane

Simbolong nagamit:

Pag-ibig

(Isinulat ni Rica Ella Mae Pascua)

Dalawang taon na ang nakalipas

Ang aking unang nakitang liwanag,

Isang liwanag na ako’y nasilaw

At nahimala sa ‘king natagpuan,


Ang ilaw na ito ay mahalaga,

Mas mahalaga pa sa milyong pera,

At hindi ko ito inaakala

Na ito pala’y aking makikita,


Isang araw ako ay may tiwala,

May tiwala na magiging akin s’ya,

Itong tiwala ay isang tadhana,

Tadhanang ika’y mapapahimala,


Itong ilaw ay aking binitawan,

At pinagpalit sa ibang liwanag,

At ito ay aking napagsisihan,

At bumalik sa ‘king unang liwanag,


Nung ako ay nakabalik sa ilaw

Hindi ko ulit ito mabibitaw,

At ang aking problema ay gumaan

At hindi ko ulit ito iiwan

Woman Holding Flowers

Simbolong nagamit:

Puso - Ito ay pananatili sa isang bagay at paggawa ng lahat ng makakaya natin pagsisikap, pag-asam, at pagsampalataya; pagtitiis ng hirap nang may tapang, kahit maantala ang mga hangarin ng ating puso.

White Heart Vector


Pighati ang dulot sa aking damdamin

Tila isang tinik ng rosas sa hardin

Ngunit paano nga itoy maihahayag

Anong paraan ang dapat na itatag


Heto na at tayo'y mag sisimulan na

Una , ang paggamit ng mga salita

Mga salitang pasigaw at madiin

Mahinahon ngunit may hinanakit


Tila isang tigre na nais manakit

Lion na nais lulunin ka ng buhay

Pusang malambing at matay makulay

Ngunit matapang kung kayo'y mapanakit


Pangalawa ang pagsusulat na tula

Na puno ng mahiwagang salita

Mga salitang sayo'y may pinadarama

Mga sakit na kalan may di mawawala

ito ng sakit ng damdamin at masasakit na salita


Sakit na Nadarama

(Isinulat ni Erica Mae Español)

Handdrawn Semi Detailed Sad Woman

Simbolong nagamit:

Wilting Rose Silhouette

Tinik ng Rosas- sumisimbolo ito ng sakit ng damdamin at masasakit na salita



Tigre - ito ay sumisimbolo ng katapangan at karangalan


Lion - itorin ay sumisimbolo ng katapangan,lakas at kahusayan.

White Tiger Hand draw Illustration
Horoscope Leo Lion

Masakit na nadarama

(Isinulat ni Lyndom Bustamante)



Ikaw lamang pahinga’t lakas sa mundong Nakakaubos nang luha Na dahil sayo

At magpadala nalang sa agos nang mundo


Sa layo ‘di biro Ang gawin nalang ay

Maglaro Laruin ang kalungkutang ito

Nagpaparamdam Kahit mata’y hikahos


Mga hingang sa pagkataka sakin

Nang madilim labas akoy nalungkot

Bawat pikit di magbago ang Mundo


Cute Cartoon Japanese Student In School Uniform With Cardigan

Simbolong nagamit:

Teardrop Shapes Illustration

Ang luha ay simbolo ng hirap at pighati, ang basag na salamin ay sumisimbolo ng masalimoot na buhay natin



Laro - sumisimbolo ito nang kasiyahan ag kalungkotan



Dilim - simisimbolo ito nang babalutan ito ng kapighatian at kalungkutan

Game Console Controller